
Ang Programang Pambata ng Kandungan ni Maria ay binubuo sa ngayon. Aming ninanasa na maki-coordinate sa mga eskwelahan at komunidad na lokal para mabigyan ang mga bata ng edukasyon sa nutrisyon at mga iba't ibang kina-kailanangang suporta. Ang pakay ng Kandungan ni Maria ay mabigyan ng pangkalahatang kalusugan ang mga bata - hindi lang pang-katawan kundi pati ang pag-iisip. Ang prayoridad ng programa ay mapagbuti ang nutrisyon, at mabawasan ang pagka-bansot lalo na sa mga lugar na tinatguriang GIDA ( Geographically Isolated and Disadvantaged Areas)

Isa sa bawat tatlong bata na edad lima at pababa ay tinataguriang bansot at isa sa bawat sampung bata ay underweight o malniurished
(UNICEF 2023; FNRI 2021).
Ang mga sanhi nito ay kawalan ng tamang nutrisyon sa pagkain, kakulangan ng kaalaman ng mga magulang, at kawalan ng "school–community links ".

Ang nais na ipatupad ng programa ay
" 3-month nutrition intervention". Pag-aaralang maigi ang mga sumusunod: family nutrition practices, pagkagusto ng produkto, at ang pagbabantay sa paglaki ng mga bata.
Ang isinagawang pilot survey ay nagpakita na ang lahat ng sensory indicators ay lumalagpas sa WHO benchmarks ng humigit-kumulang 110–137%. Nagpapakita ang mga bata ng mataas na kompiyansa sa produkto at kahandaang makilahok — mahalaga ito para sa consistent na compliance sa loob ng 3-buwang intervention.

Isa sa pinaka importanteng elemento ng programa ay ang pakiki-partner sa mga mababang paaralan para makapagbigay ng nutrition lessons . Kasabayan nito ang pagmamatyag ng mga guro at magulang sa progreso ng mga bata.

Ang National Expansion program ay nakabatay sa resulta ng pilot testing, ang pakikiugnay sa mga partners, at ang alignment sa prayoridad ng local at national government priorities. Kung magiging matagumpay ang lahat ng mga ito, ang programa ay magiging tulay ng nutrisyon, edukasyon at pag-unlad ng komunidad.

We use cookies to analyze website traffic and optimize your website experience. By accepting our use of cookies, your data will be aggregated with all other user data.