
Handog ng NUTRAHEALTH SOCIETY - Canada

Ang NutraHealth Society (Canada) ay isang registered non-profit organization na nakatuon sa pagpapalakas ng kalusugan at nutrisyon ng mga ina at bata sa pamamagitan ng science-based nutrition programs, pakikipagtulungan sa mga komunidad, at sustainable, locally led solutions para sa mga underserved na komunidad.
.

Ang Mary’s Cradle (Kandungan ni Maria) ay isang maternal at child nutrition initiative ng NutraHealth Society (Canada) na nakatuon sa pagpapabuti ng kalusugan at nutrisyon ng mga kababaihan at bata sa mga geographically isolated and disadvantaged areas (GIDA).
Ang programa ay sumusunod sa isang multi-stakeholder at community-led approach, kung saan nagtutulungan ang mga international development partners, academic institutions, community organizations, at local government units (LGUs) upang maghatid ng science-based nutrition at education programs na angkop sa lokal na konteksto.
Ang Mary’s Cradle ay binuo na may technical at advisory support mula sa FCA Global Growth Ltd., na nagbigay ng expertise sa program design, nutrition strategy, supply-chain planning, at evidence-informed implementation, upang masiguro ang praktikal at pang-matagalan ng programa.
Sa kasalukuyan, ang programa ay nasa development at fundraising phase, na may malinaw na implementation readiness. Ang kahandaan para sa implementasyon ay ipinapakita sa pamamagitan ng natapos na pilot sensory at compliance testing na lumampas sa mga pamantayang itinakda ng WHO. Ang programa ay sinusuportahan ng mga lokal at matatag na non-profit na organisasyon at mga pamantasan na nagpahayag ng kahandaang makipagtulungan, gayundin ng isang pandaigdigang food manufacturer na akreditado ng World Food Programme (WFP) para sa produksyon ng mga produktong nutrisyon.

Isang Pilipinas na kung saan bawat ina at bata ay may pagkakataong umunlad — sa pamamagitan ng mas malusog na buntis at kababaihan, mas mababang child stunting, mas malakas na nutrition awareness, empowered women, at mas matatag na community capacity.

Ang aming misyon ay palakasin ang kalusugan at katatagan ng kababaihan at mga bata gamit ang evidence-based nutrition, education, at empowerment programs. Nakikipagtulungan kami sa mga local partners at funding agencies para magpatupad ng 2–3 year plan na pinagsasama ang science, compassion, at sustainability.
Ang Istraktura ng Kandungan ni Maria/Mary’s Cradle
Isang locally led, globally supported framework na naka-base sa limang haligi na nagbubuklod sa malasakit, agham, at bayanihan:
1. Global Development Partnerships
Nakikipagtulungan kami sa international agencies at donors para suportahan ang program sa loob ng 2–3 taon at i-transition ito sa LGU leadership.
2. Bayanihan at Community Empowerment
Ang mga programa ay pinamumunuan ng lokal na organisasyon — kasama ang nutrition outreach, women’s leadership, at family engagement.
3. Science-Driven Solutions
Lahat ng fortified foods ay tugma sa standards ng WHO para masigurong ligtas, masustansya, at akma sa pangangailangan ng komunidad.
4. Academic Collaboration
Tinuturuan at ginagabayan ang nutrition workers, midwives, teachers, at future health leaders sa tulong ng unibersidad
5. Family-Centered Approach
Naka-focus sa ina at bata, dahil ang pamilya ang pundasyon ng pangmatagalang pagbabago.

• Maternal Health & Nutrition – fortified foods at practical nutrition education
• Child Growth & Development – science-based interventions para maiwasan ang stunting
• Community Empowerment – women-led implementation at local training
Kandungan ni Maria : Isang Tulay ng siyensya, komunidad, at kalusugan.
We use cookies to analyze website traffic and optimize your website experience. By accepting our use of cookies, your data will be aggregated with all other user data.