
Ang Kandungan ni Maria na programa ng Nutra Health Society - Canada ay pinaplano at binubuo pa lang sa ngayon. Inanayayahan namin ang sinumang gustong makilahok at tumulong na mapabuti and kalusugan ng mga kababaihan, mga ina and mga bata sa maga lugar na higit na nangangailangan.

Naghahanap kami ng partnerships sa mga international development funding agencies at foundations na maaaring tumulong sa paglungsad ng Kandungan ni Maria sa loob ng 2–3 taon.
Sa pamamagitan ng inyong suporta, makukumpleto namin ang mga intervention studies, mapapalawak ang nutrition at education programs sa buong bansa, at makapaghahanda para sa paglipat at integrasyon sa pamahalaan at mga pambansang polisiya.
Sama-sama, nagtatayo tayo ng mga sistemang matatag at may pangmatagalang epekto, kahit matapos na ang proyekto.

Sa ngayon, kahit hindi pa tumatanggap ng donasyon ang aming programa, inaanyayahan namin ang mga corporate partners na tumulong sa iba't ibang paraan tulad ng research sponsorship at
community engagement partnerships.

Kapag nalunsad na ang programa, inaanyayahan namin ang mga estudyante at mga propesyonal na sumali bilang volunteers sa anumang kapasidad.
Ang inyong oras, kakayahan ay makatutulong sa pagtupad ng aming misyon.

We use cookies to analyze website traffic and optimize your website experience. By accepting our use of cookies, your data will be aggregated with all other user data.