
Ang aming 3-phase program ay tumutulong sa kababaihan na maging mas handa sa malusog na pagdadalang-tao, pangangalaga sa pamilya, at pagiging community leaders — lalo na sa GIDA communities.

1 sa 4 kababaihang nasa reproductive age ay may anemia.
110+ maternal deaths per 100,000 live births – isa sa pinakamataas sa Southeast Asia.
1 sa 3 nagdadalang-tao ang hindi nakakakuha ng sapat na energy at protina.
(Sources: UNICEF Philippines, Department of Health 2023, and World Bank 2022)

Ang malnutrisyon ng nanay ay isang sanhi ng malnutrisyon ng bata.
Halos isa sa bawat tatlong batang na edad lima pababa ay stunted o bansot.
Ito ay dulot ng food insecurity, kakulangan sa nutrition education, at limitadong community engagement.
(Sources: UNICEF State of the World’s Children Report 2023; Food and Nutrition Research Institute – Expanded National Nutrition Survey 2021)

3-buwang pilot test sa dalawang GIDA communities.
Magbibigay ng fortified biscuits for women (iron, folic acid, micronutrients).
Kapag matagumpay, palalawakin sa ibang priority areas
Ipinapakita ng mga resulta ng isinagawang pilot survey ang napakataas na antas ng pagtanggap at pakikilahok, na umabot hanggang 184% ng mga pamantayan ng WHO. Ipinamalas ng mga kababaihan ang napakataas na antas ng kumpiyansa at kahandaang makilahok sa programa, na mahalaga para sa pangmatagalan at pinamumunuan ng komunidad na pagpapatupad ng inisyatiba.

Kaugnay ng mga NGOs at unibersidad, ang program as magbibigay ng training para sa mga midwives, community workers, at educators . Ang mga paksa na tatalakayin ng training module ay maternal diet, hygiene, infant feeding, and community engagement.

Kasama ng mga local governments at pamantasan, ang Kandungan ni Maria ay maglalan ng oportunidad na makapag-silbi ang mga kababaihan bilang community ambassadors, facilitators, at future leaders.
We use cookies to analyze website traffic and optimize your website experience. By accepting our use of cookies, your data will be aggregated with all other user data.